Paano magluto ng Tinolang Manok

17 Aug

Paano magluto ng Tinolang Manok?

Madali lang lutuin ang Tinolang Manok. Eto ang isa sa simpleng paraan kung paano.

Mga sangkap:

– manok
– luya (at bawang sa iba pero hindi ko na nilalagyan dahil minsan pumapait kapag nasunog mo yung bawang)
– sayote o papaya, dahon ng sili o dahon ng malunggay
– patis

Paano lutuin ang Tinolang Manok:

1. Igisa ang luya (at bawang) kasama na ang manok. Isangkutsa ang  manok hanggang mamuti ang laman ng manok.

2. Kapag sa tantya mo ay nasangkutsa (nagisa) mo na ang manok, maglagay ng 3 kutsarang patis. Haluin muli.

3. Maglagay na ng tubig na magsisilbing sabaw ng tinola. Ilagay na rin kasama ang pang sahog na gulay (sayote o papaya). Pakuluan.

4. Kapag kumulo na ang sabaw, tignan kung tama na ang lambot ng sayote o papaya para sa iyo.

5. Tikman ang sabaw, kung kulang pa sa lasa. Dagdagan mo lang ng patis. At ilagay na rin ang dahon ng sili o ng malunggay.

Meron ka ng Tinolang Manok! Kanin na lang ang kulang.

Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang  dito or sa Facebook LIKE Box sa kanan. Salamat!

3 Tugon to “Paano magluto ng Tinolang Manok”

  1. Dylan Dimaubusan Agosto 17, 2011 Sa 9:57 hapon #

    Great! Now I know how to cook Tinolang Manok!
    I miss this especially on a cold rainy season!

    • Paano Pinoy Agosto 19, 2011 Sa 2:25 hapon #

      Thanks! Share some recipes if you have one. =)

  2. babyPowdeR Agosto 21, 2011 Sa 12:12 hapon #

    now i know ms. mallot

Mag-iwan ng puna