Paano Magpapayat

21 Aug

Isa sa mga pinakamalaking problema natin ngayon tungkol sa kalusugan ay ang katabaan. Madaming sakit ang maaaring maging katambal ng labis na katabaan tulad ng sakit sa puso at diabetes. Maliban sa mga sakit, syempre nariyan din ang pagaalala sa ating panlabas na anyo, at likas lamang na mas nanaisin ng mga lalake ang mga babaeng sexy, at mas nanaisin ng mga babae and lalakeng matipuno. Dahil dito, isa sa mga pinakamalalaking problema ng mga taong may katabaan ay ang pagpapapayat. Paano nga ba magpapayat?

Pagbibilang ng Calories

I-click and link na ito: BMR Calculator at ilagay ang mga kinakailangang detalye tapos i-click ang “calculate”. Ang BMR ay ang iyong calories na ginagamit sa isang araw ng wala kang ginagawang kahit na ano. Wala. Basta buhay ka, yan ang total calories mo sa isang araw. Ngayong alam mo na ang iyong BMR, ang kailangan mo lang gawin ay ayusin ang iyong Calorie intake.

Upang malamang naman ang calories ng iyong mga kinakain, maaari kang maghanap sa internet o kaya ay bumili ng libro. Karamihan din sa mga packaged na pagkain na binibili mo ay may nakatatak na nutritional value. Tignan lamang ito at malalaman mo kung gaano karaming calories ang makukuha mo mula sa pagkain na iyon.

Pagda-Diet

Simple lang ang mag-diet o diyeta. Bawasan lang ang dami ng iyong pagkain. Para mas maging epektibo ang iyong pagdi-diyeta, gamiting ang BMR calculator at tignan ang total calories na iyong mga kinakain.

Kunyari ang iyong BMR ay 2000, kung ikaw ay magda-diet at ang total calories ng lahat ng kakainin mo sa isang araw ay 1500, ibig sabihin kulang ka ng 500 at ano ang gagawin ng iyong katawan para makuha ang nawalalang 500 calories? Tama, gagamitin niya ang taba na naka-imbak sa iyong katawan at ikaw ay papayat.

Page-Exercise

Kung iyong maaalala, ang iyong BMR ay ang total calories na ginagamit mo sa isang araw kung wala kang gagawin. Kung ayaw mong magdiyeta, maaari din naman na pataasin ang iyong pangangailangan ng calories ng higit sa iyong BMR sa pamamagitan ng exercise. Kung ang iyong BMR ay 2000, ibig sabihin kung ikaw ay magja-jogging at magsisimulang mag-gym, hihigit sa 2000 calories ang kakailanganin ng iyong katawan. Mas maraming exercise, mas lalong tataas ang iyong pangangailangan ng calories.

Kunyari ayaw mong magdiyeta at ikaw ay kumakain ng 3000 calories sa isang araw at ang iyong BMR ay 2000. Kung ikaw ang mage-exercise at patataasin ang iyong kinakailangang calories ng 3,500 calories, muli ay may kakulangan kang 500 calories at kagaya ng nasabi ko kanina, gagamiting ng katawan mo ang mga naipon mong taba upang punan ang kakulangan sa calories.

Pagbubuod

Ngayong alam mo na ang mga prinsipyo ng pagpayat, ikaw na ang bahala kung paano mo gustong magpapayat. Basta ang dapat mong tandaan na pinakamahalaga sa lahat ay ang tamang disiplina sa sarili. Kung ikaw ay magda-diet ng isang linggo at kakain ng labis sa susunod na linggo, wala rin mangyayari. Dapat tuloy-tuloy ang iyong gagawain upang maging tuloy-tuloy ang iyong pagpayat. Kailangan mo din makinig sa iyong sarili. Kung sobra-sobra ang iyong gagawin, hindi rin ito makakabuti sa iyong kalusugan. Huwag bibiglain ang pagda-diet at page-exercise. Unti-untiin lamang at huwag mamadaliin at pagpapapayat. Dapat din tandaan na hindi agad makikita ang resulta ngunit hindi nito ibig sabihin na walang nangyayari.

Tandaan, Disiplina sa Sarili at Pagpapasensya. Ako si Jonel Fernando, isa sa mga may akda ng PaanoPinoy.com. Salamat sa iyong pagbisita!

Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang  dito or sa Facebook LIKE Box sa kanan. Salamat!

Related articles: Paano Mag Bawas ng Timbang , Paano Mag Exercise

2 Responses to “Paano Magpapayat”

Trackbacks/Pingbacks

  1. Paano Mag Exercise « PaanoPinoy.Com - January 24, 2012

    […] articles: Paano Mag Papayat , Paano Mag Bawas ng Timbang Feel free to […]

  2. Paano Mag Bawas ng Timbang « PaanoPinoy.Com - January 24, 2012

    […] articles: Paano Magpapayat , Paano Mag Exercise Feel free to […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: