Paano Manood Ng Anime Sa Computer

22 Aug

cover of naruto shippuuden soundtrack disc. click for details.

Isa sa mga kinahihiligang libangan nating mga pinoy ngayon, lalo na ang kabataan, ay ang panonood ng Naruto Shippuuden, Bleach, One Piece, at kung anu-ano pang mga anime series. Minsan mapapanood din naman ang mga ito sa ABS-CBN at GMA, ngunit ang problema ay ang dami ng mga patalastas at syempre, medyo nahuhuli ang mga episodes.

Ngayon bago ko ituro sayo kung paano ang dapat mong gawin, nais ko munang banggitin ang mga maganda at pangit na aspeto ng panonood sa computer upang hindi mo naman kami sisihin kapag hindi ka natuwa sa nangyari.

Bakit mas magandang manood ng anime sa computer?

  1. Updated ang mga episodes at hindi ka na mahuhuli sa balita.
  2. Walang patalastas sa gitna ng palabas. Hindi ka mabibitin.
  3. Hawak mo ang oras mo. Hindi mo kailangan umuwi agad para lang maabutan ang time slot sa GMA o sa ABS-CBN.

Ano ang mga downside ng panonood sa computer?

  1. Mas malapit ang mata mo sa screen at mas madaling masisira ang mata mo.
  2. Kadalasan ay hapon ang salita ng palabas at may English na subtitles. Kung mabagal kang magbasa ng english, hindi ka makakasabay.
  3. Kung mabagal ang iyong internet, pwedeng tumigil-tigil ang palabas.

Ngayong maliwanang na sayo ang dapat mong asahan, heto ang ilang mga paraan upang makapanood sa iyong computer:

A. Magpunta sa Crunchyroll.

I-click lamang ang link na ito ng Crunchyroll o kaya ay magpunta sa http://www.crunchyroll.com/anime upang mapunta sa anime section. Hanapin ang anime na gusto mong mapanood, at i-click lamang ito at ang episode na nais mong mapanood. Ang problema lamang sa crunchyroll ay hindi pa pwedeng mapanood at pinaka-latest na episode, maliban nalang kung ikaw ay magbabayad ng membership nila. Pero ayos na rin yun, isang episode lang naman kadalasan eh, kaya okey parin kesa naman sa TV na sobrang huli ka sa balita.

Babala: Nangangailangan ng Flash and iyong computer upang makapanood ng mga video sa crunchyroll. Kung nakakapanood ka ng mga video mula sa youtube ng walang problema, wag ka nang mag-alala. May lilitaw naman na mensahe sa iyong screen kung kailangan mo ng Flash.

B. Magpunta sa Anime Access

I-click lamang ang link na ito ng Anime Access o magpunta sa http://www.anime-access.com/anime/list upang mapunta sa kanilang anime section. Malulula ka sa dami ng mga pwede mong ma-download mula dito. Sa totoo lang, ito ang paborito kong kuhanan ng anime dahil nga sa dami ng mga palabas sa listahan, at maganda din ang quality ng mga episodes nila. Madami na akong nadiskubreng magagandang palabas dito na hindi pa lumalabas sa TV.

Ngayon bago ka pala makakuha ng episode, kailangan mo din mag-signup muna. Libre lang naman at pagsa-signup, ang kailangan mo lang ay ang iyong email address. Kapag may libreng account ka na, maari ka nang kumuha ng kahit anong palabas sa listahan nila. Kumpleto at laging updated ang listahan ng Anime Access kaya hindi ka mahuhuli sa balita.

Isa pang kailangan tandaan sa pagkuha ng episode mula dito ay ang hindi mo mapapanood agad ang episode. Kailangan mo munang hintaying matapos ang download mo. Pero, maganda ito kung hindi ka naman nagmamadali, at kung nakiki-internet ka lang o may ibang ginagawa tulad ng research para sa iyong project. Magdownload lamang habang ikaw ay ngreresearch, at i-save na lamang ang download mo sa USB o kung saan at panoorin nalang kapag pwede ka nang manood. Sulit na sulit ang mga download dito. Malinaw na malinaw at talagang updated.

Babala: Kung ayaw mag-play ng iyong download, ibig sabihin may kailangan ka munang i-install. Ang aking rekumendasyon ay ang K-Lite Codec Pack. Maari din naman ang VLC player, ikaw nalang ang bahalang mamili. Kung mabagal ang iyong internet, may katagalan ang pagda-download ng mga episodes at kung mabagal ang iyong computer, maaaring mag-hang ito habang nanonood ngunit kung iyong malalagpasan ang lahat ng mga ito, ginagarantisa ko na sulit ang paraan na ito.

Ako si Jonel Fernando, isa sa mga manunulat ng PaanoPinoy.com. Sa ngalan ng aking kasamahang manunulat, Maraming Salamat sa iyong pagbisita sa PaanoPinoy.com at inaasahan namin ang iyong pagbabalik upang magbasa ng aming blog!

One Response to “Paano Manood Ng Anime Sa Computer”

  1. Paano Pinoy August 22, 2011 at 2:56 pm #

    Parang pag-upload lang din ng yan ng mga networks sa site nila. Tulad ng channel 5, pinopromote pa nila ang mga website tulad ng pinaytambayan. =) Saka hindi naman ako nag-ho-host ng mga yan. Kumbaga directory lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: