Paano Maging Ninja

24 Aug

Kung hindi ka pa lumilipat sa ibang website at binabasa mo pa rin ito pagtapos mong mabasa ang pamagat, huwag ka nang magmaang-maangan.

Aminin mo nalang na gusto mong maging ninja, at malamang, ito ay dahil sa isa sa mga sumusunod:

  1. Pagkahumaling sa mga ninja anime gaya ng Naruto, Flame of Recca, atbp.
  2. Napanood mo si Rain sa Ninja Assassin at sa sobrang napabilib ka.
  3. Gusto mo ng technique para makabawi sa mga nang-aasar sayo.

Kung wala sa mga sumusunod ang iyong mga rason okay lang, ang mahalaga, may rason ka dahil hanggang ngayon, nagbabasa ka pa. Sige, di na kita bibitinin pa. Heto ang mga paraan upang ikaw ay maging ninja sa iyong pantasya at maging sa totoong buhay:

1. Bumili ng Naruto Costume at Mga Gamit Pang-Ninja

Naalala ko nung affiliations namin ng mga ka-batch ko. Naglibot kami sa gateway at may nakita kaming tindahan ng mga gamit anime. Sobrang nahumaling ako sa Akatsuki Robe nila na halos gusto ko na talgang bilhin kahit medyo may kamahalan. Dahil hindi naman kami binayaran ng naturang tindahan, hindi ko na sasabihin kung ano ang pangalan. Basta puntahan niyo nalang at sabihin niyo na nakalibre sila ng patalastas mula sa amin dito.

2. Pumunta Sa Japan At Piliin Kung Sa Iga o Sa Kouga Mo Gustong Sumali

Kung napanood mo na ang palabas na Basilisk o ang pelikulang Shinobi, malalaman mo kung ano ang tinutukoy ko.

3. Maghanap ng Ninjutsu Martial Arts School at mag-Enroll

Seryoso naman ang isang ito. Kung hindi mo pa alam, oo, totoo ang mga ninja, pero hindi tulad ng mga napapanood mo sa Naruto o Ninja Assassin. Sabihin nalang natin na mautak lang ang mga ninja noong kapanahunan nila kaya ang akala ng mga Samurai, talgang may magic sila. Research ka nalang sa sarili mo. Minsan may napanood ako sa National Geographic tungkol sa totoong mga ninja. Eh di siyempre sobrang naenganyo ako. Tapos bandang huli, wla naman palang super powers yung mga totoong ninja, mas mautak lang talaga ang mga paraan nila.

Ayan tapos na. Kung naitatanong mo kung bakit ko pa nilagay ito dito ng wala naman talagang kwenta, ang sagot ko ay wala lang talaga. Natutuwa lang ako na binasa mo pa talaga ito hanggang dito! Wahahahahaha!

Hanngang sa muli! Ito si Jonel Fernando, isa sa mga manunulat ninyo dito sa PaanoPinoy.com na nagsasabing: Yari Ka!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: