Paano Magluto Ng Itlog

27 Aug

Ang itlog ng manok ay isa sa mga pinakamadalas lutuin na pagkain sa mundo. Maaari itong maging isa sa mga sangkap ng isang pagkain, at maaari din itong lutuin ng walang kasama. Simple lang naman ang pagluluto ng itlog at mag ilang mga simpleng hakbang lamang na dapat sundin sa pagluluto at narito ang ilan sa mga pinakasimpleng paraan sa pagluluto ng itlog.

Binating Itlog(Regular)

  1. Basagin ang itlog at ilagay ang laman sa isang mangkok.
  2. Tantsyahin ang asin. Hindi ko talaga alam kung gaano kaalat ang gusto mo, pero sa akin, mga isang kurot na asin kada isang itlog lang ayos na.
  3. Kumuha ng tinidor at batiin ang itlog hanggan maghalo ang puti at dilaw nito.
  4. Maglagay ng konting mantika sa kawali habang pinapainit ito sa lutuan.
  5. Ibuhos ang binating itlog.
  6. Hayaang maluto ang ilalim nito, tapos baliktarin. Huwag hayaang masunog ito.
  7. Tapos na! Maari mo nang kainin ang iyong binating itlog.

Binating Itlog(May Sibuyas)

  1. Magbalat ng sibuyas at hiwain ito sa liit na iyong gusto.
  2. Magpainit ng mantika sa kawali at ibuhos ang iyong mga nahiwang sibuyas.
  3. Lutuin ang sibuyas ng mga limang minuto o hanggang lumambot ang sibuyas.
  4. Gawin ang mga hakbang sa Binating Itlog(Regular), ang pinagkaiba lamang ay ihahalo ang nalutong sibuyas sa binating itlog.

Pritong Itlog(Sunny-Side Up)

  1. Magpainit ng mantika sa kawali. Medyo dagdagan ang mantika.
  2. Ihanda ang itlog at asin.
  3. Hintaying  uminit mabuti ang mantika sa kawali.
  4. Kapag mainit ng mabuti ang mantika at kawali, basagan ng konti ang itlog at dahan-dahang buksan ito sa paraan na mapupunta ang itlog direkta sa kawali ng hindi nasisira ang dilaw nito. Budburan ng asin ang kabuuan nito.
  5. Kumuha ng syanse at gamitin ito upang “paliguan” ng mantika mula sa kawali ang ibabaw ng itlog hanggang sa ito ay maluto sa ibabaw.
  6. Kung ayaw mo ng malasado ang dilaw, maari mo ring baliktarin ang itlog kapag medyo luto na ang ibabaw.

Sarsiyadong Itlog na May Kamatis

  1. Maghiwa ng sibuyas at mga kamatis. Ikaw na ang bahala kung paano mo gusto, pero ang sa akin, mas maliit ang mga hiwa mas madali.
  2. Magbati ng itlog sa mangkok(sige tawa lang mga green minded!)
  3. Magpainit ng mantika sa kawali.
  4. Unahing ilagay ang sibuyas sa kawali at haluin ito ng mga limang minuto o hanggang lumambot.
  5. Isunod ang kamatis at lutuin din ito hanggang lumambot.
  6. isunod ang binating itlog at asinan. Ngayon ikaw na rin ang bahala kung gusto mo ng buo o durog. Dahil mas gusto ko ng durog na parang corned beef ang dating, hinahalo-halo ko ito. Kung gusto mo ng buo, hayaan lang na maluto at baliktarin hanggang maluto ang kabuuan.

Nilagang Itlog

  1. Sa totoo lang, kung hindi mo ito alam gawin, naaawa ako sayo. Ilagay lamang ang itlog sa kaserolang may tubig, ilagay sa lutuan. Orasan ito ng mga limang minuto mula sa pagkulo at tapos na.
  2. Upang mapadaling balatan ang nilagang itlog, hugasan o ibabad lamang ito sa malamig na tubig pagkaahon sa kumukulong tubig.

Sana ay may natutunan ka sa iyong pagbabasa mula sa PaanoPinoy.com. Sa ngalan ng aking kasamang manunulat, ito po si Jonel Fernando. Maraming salamat sa iyong pagbabasa!

3 Responses to “Paano Magluto Ng Itlog”

  1. theaftermatt August 28, 2011 at 11:24 pm #

    Sana naglagay karin ng omelet… coddled and poached

  2. Chryshell-ann granada altubar August 3, 2013 at 6:17 am #

    tnx sa tips !

    • Paano Pinoy August 18, 2013 at 9:19 pm #

      Walang anuman! Balitaan mo ako sa itlog na yan hehehhe.

      Saka dito na pala new site ng PaanoPinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: